Umakyat na sa isandaan apatnapu’t dalawa ang bilang ng mga nasugatan dahil sa mga paputok.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng labimpitong mga bagong kaso, kahapon.
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Ang pinakabagong tally ay mas mataas ng 35 percent kumpara sa 105 cases na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Kinumpirma rin ng DOH ang unang firecracker fatality ngayong holiday season, na isang pitumpu’t walong taong gulang na lalaki mula sa Central Luzon.
Binawian ito ng buhay matapos maputukan ng judas belt noong Dec. 27, na nagdulot ng pinsala sa kanyang mata at hita, at mayroon din itong pre-existing health conditions na nagpalala sa kanyang kalagayan habang nasa ospital.
Ang reported injuries na naitala simula Dec. 22 ng ala sais ng umaga hanggang Dec. 29, ay nakolekta mula sa animnapu’t dalawang ospital sa buong bansa.
