Posibleng may personal o mental health problems ang Overseas Filipino Worker (OFW) na umano’y pumatay sa isang batang Kuwaiti.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, nakatanggap ng reports ang Philippine Embassy sa Kuwait na “depressed” ang Filipino domestic helper nang mangyari ang insidente.
Sa reports ng Gulf News at Arab Times, isinilid umano ng OFW ang bata sa washing machine dahil iniistorbo siya nito.
Sinabi ni de Vega na bagaman hindi pa niya makumpirma ang balita ay tila nainis umano ang pinay at depressed kaya nakagawa ito ng hindi normal.