UMABOT na sa 116 ang napaulat na nasawi sa pananalasa ng bagyong Kristine sa bansa.
Ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mayroon ding 109 na nasugatan at 39 pa ang iniulat na nawawala.
ALSO READ:
200K Units ng popular na Herbal Inhaler sa Thailand, pinare-recall sa merkado dahil sa Microbial Contamination
Kampo ni FPRRD, naghain ng apela sa Jurisdiction Ruling ng ICC
NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas
ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad
Sinabi ng NDRRMC na nakapagtala ng mahigit 6.7 million na katao na naapektuhan ng bagyo.
Sa nasabing bilang, 980,000 ang kinailangang ilikas kung saan mayroon pang mahigit 561,000 pa ang nananatili sa mga evacuation center. Umabot sa 871 na lungsod at munisipalidad ang naapektuhan ng bagyo mula sa 17 rehiyon sa bansa.
(DDC)
