7 February 2025
Calbayog City
National

Dating Pangulong Duterte, inako ang responsibilidad sa War on Drugs sa ilalim ng kanyang administrasyon

INAKO ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang “full responsibility” sa ipinatupad na war on drugs noong panahon ng kaniyang administrasyon.

Sa kaniyang pagharap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Subcommittee, idinepensa ng dating pangulo ang drug war.

Ayon sa dating pangulo, inaako niya ang buong responsibilidad sa mga nagawa ng mga pulis na base sa kaniyang kautusan.

Sinabi ng dating pangulo na ang pagpapatupad ng war on drugs ay layong protektahan ang bansa at ang mga mamamayan.

Ang layunin aniya ng war on drugs ay para protektahan ang mga inosente at mga walang kalaban-laban. Layunin din nitong masugpo ang ilegal na droga gaya ng shabu, cocaine, heroin, marijuana, party drugs at iba pa.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).