UMABOT na sa 6 ang naitalang nasawi sa pinagsama-samang epekto ng Bagyong Crising, Habagat at Low Pressure Area (LPA).
Ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa mahigit 360,000 na pamilya ang naapektuhan o katumbas ng mahigit 1.2 million na katao sa labingpitong rehiyon sa bansa.
Mayroon pang mahigit 17,000 ang nananatili sa mga Evacuation Center habang ang ibang inilikas ay pansamantalang nanunuluyan sa kaanak.
Nakapagtala din ang NDRRMC ng 5 sugatan at 6 pang nawawala.
Ayon pa sa datos, mahigit P413 million na ang halaga ng pinsala sa imprastraktura ng bagyo, Habagat at LPA at kabilang sa mga napinsala ay mga kabahayan, lansangan, tulay, paaralan at iba pa.