SUSPENDIDO pa rin ang pasok sa mga paaralan at trabaho sa ilang lugar sa bansa dahil sa masamang panahon.
Batay ito sa Memorandum Circular No. 90 na nilagdaan ni Executive Sec. Lucas Bersamin, kasunod ng rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Kabilang sa mga lugar na suspendido ang pasok ay ang Metro Manila, Pangasinan, Zambales, Tarlac, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Rizal, Occidental Mindoro, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at La Union.
Gayundin, ang Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Masbate, Sorsogon, Albay, Camarines Sur, Catanduanes, Palawan, Antique, Aklan, Capiz, Iloilo, Guimaras, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Laguna, at Negros Occidental.
Hindi naman kasama sa suspensyon ang mga ahensyang may kinalaman sa Basic, Vital at Health Services, pati na rin ang mga nasa Disaster Preparedness at Response, upang tuloy-tuloy ang pagse-serbisyo sa publiko.
Ipinaubaya naman sa mga pribadong kumpanya ang desisyon kung magpapatupad din sila ng suspensyon.
