PATULOY ang pagtaas ng bilang ng mga nasawi sa pagguho ng landfill sa Barangay Binaliw sa Cebu City.
Hanggang 5:30 P.M. kahapon, dalawampu’t lima na ang death toll habang nagpapatuloy ang search and rescue operations.
Pinakahuling narekober mula sa gumuhong tambak ng mga basura ang isang babae at isang lalaki habang labing isa pa ang nawawala.
Sa kabila naman ng mahirap na sitwasyon ay nakatutok pa rin ang search and rescue teams sa mga lugar kung saan pinaniniwalaang na-trap ang mga biktima.




