UMABOT na sa mahigit tatlong milyon ang mga biyaherong dumating sa Pilipinas simula noong Enero.
Sa datos mula sa Department of Tourism (DOT), kabuuang 3,173,694 inbound travelers ang bumisita sa bansa, as of July 10.
Airline Companies, pinaalalahanan ng DOTr sa pagbibigay ng napapanahong Flight Updates sa mga pasahero
Asian Development Bank, nagtalaga ng bagong Country Director sa Pilipinas
Foreign Investment Pledges, bumagsak ng 64% sa ika-2 quarter ng taon
Philippine Rice Import Forecast, ibinaba ng USDA bunsod ng 2 buwan na ban sa pag-aangkat ng bigas
Sa naturang bilang, 92.55 percent o 2,937,293 ay foreigners habang 7.45 percent o 236,401 ay overseas Filipinos.
Samantala, umakyat ng 32.81% ang visitor receipts ng bansa na naitala sa 282.17 billion pesos sa unang anim na buwan ng 2024 mula sa 212.47 billion pesos na nai-record sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon sa DOT, ang South Korea ang top source ng foreign arrivals, sumunod ang US, China, Japan, Australia, Taiwan, Canada, United Kingdom, Singapore, at Malaysia.