POSIBLENG umabot sa 1.3 hanggang 1.5 million ang mga bagong rehistradong botante sa nagpapatuloy na Voter Registration ng Commission on Elections.
Sa unang limang araw kasi ng pagpaparehistro, sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na umabot sa nasa isang milyon ang mga bagong nakapagparehistro.
ALSO READ:
Madaragdagan pa ito sa nalalabing ilang araw ng Voter Registration na tatagal hanggang sa Aug. 10.
Una nang sinabi ni Garcia na sa kasaysayan, pinakamataas na bilang ito ng mga bagong nagparehistro sa loob lamang ng maiksing panahon.
Patunay ito ayon kay Garcia na mataas pa rin ang interes ng mamamayan na makaboto at magkaroon sila ng boses sa pagpili ng ihahalal na mga opisyal ng pamahalaan.