IPINABABASURA na ni Senador Rodante Marcoleta ang Impeachment Complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa sesyon kahapon, sinimulan ni Marcoleta ang pagtalakay ng Senado sa Ruling ng Korte Suprema kaugnay sa Impeachment Complaint.
Cebu City isinailalim sa State of Calamity dahil sa gumuhong landfill; death toll, umakyat na sa 13
Sarah Discaya, naghain ng Not Guilty Plea sa Korte sa Cebu
Pangulong Marcos, nais magkaroon ng Extradition Treaty sa Portugal para maaresto si Zaldy Co
Historic Free Trade Deal, nilagdaan ng Pilipinas at UAE
Sa kanyang Privilege Speech, ipinaalala ni Marcoleta na ang Ruling ng Korte Suprema ay Immediately Executory at tumutok sa prosesong ginawa ng Kamara.
Bago tuluyang umarangkada ang speech ni Marcoleta, ipinaalala niya na hindi pa tuluyang tumatawid ang Impeachment Process sa 20th Congress dahil wala pang aksyon ang Senado.
Inisa-isa ni Marcoleta ang mga anya’y Violations na isinagawa ng Kamara sa paghahain ng Impeachment Complaint laban sa pangalawang pangulo.
Ang unang paglabag aniya ay ang pagkakaroon ng apat na Impeachment Complaints sa kabila ng probisyon sa batas na isang reklamo lamang ang maaaring ihain laban sa isang Impeachable Official sa loob ng isang taon.
Paglabag din anyang maituturing ang hindi agad pagre-refer ng reklamo sa House Committee on Justice at ang hindi pagkakasama nito sa Order of Business.
Pinuna ring paglabag ni Marcoleta ang paraan ng pagberipika ng Secretary General ng Kamara na dapat ay idinaan sa Affidavit na nabasa at nakumpirma niya ang buong reklamo.
Dahil hindi anya maayos ang beripikasyon, maaaring ituring ang reklamo bilang Unsigned Complaint.
Sa huli, nanindigan si Marcoleta na nagsalita na ang Korte Suprema kaya’t dapat nang maibasura ang reklamo.
