SA magkahiwalay na operasyon sa ilalim ng Fuel Marking Program (FMP), sinalakay ng mga tauhan ng Enforcement and Security Service ng Bureau of Customs sa Legazpi City ang dalawang gasoline stations sa Bicol region na sangkot sa illegal na pagbebenta ng unmarked fuel.
Sa nasabing operasyon, nakumpiska ng mga otoridad ang 30,891 na litro ng gasoline at diesel na nagkakahalaga ng p1.745 million at fuel truck na nagkakahalaga ng p1.5 million.
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Ayon sa BOC, ang dalawang gasolinahan ay lumabag sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.
Bilang bahagi ng kampanya kotra smuggling, nagsasagawa ang BOC ng field tests sa mga retail stations at tank trucks para maberepika ang ibinebenta nilang produktong petrolyo.
Kung ang samples ay bumagsak sa tests, nangangahulugang smuggled ang kanilang produkto at hindi nagbabayad ng buwis ang mga negosyante sa likod ng establisyimento. (DDC)
