8 July 2024
Calbayog City
Business

Benjamin Diokno itinurnover na ang liderato ng Finance Dept. kay Ralph Recto

PORMAL nang itinurnover ni dating Finance Secretary Benjamin Diokno ang liderato sa kanyang bagong talagang kapalit na si Secretary Ralph Recto.

Sa turnover ceremony sa DOF Office sa Maynila, kahapon, inihayag ni Diokno ang kanyang tiwala kay Recto.

Aniya, hindi na bago para sa bagong kalihim ang hard work, tough decision-making, at consensus-building na kinakailangan para sa isang Finance Chief.

Sa bahagi naman ni Recto, pinuri niya si Diokno sa serbisyo nito, kasabay ng pagsasabing ang  pagsunod sa yapak nito ay isang karangalan at hamon. 

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *