21 September 2024
Calbayog City
Province

Nakolektang langis mula sa lumubog na MT Terranova sa Bataan, umabot na sa mahigit 1 milyong litro

Umabot na sa kabuuang 1,032,557 liters ng oily waste ang nasipsip mula sa lumubog na MT Terranova sa Bataan simula nang mag-umpisa ang siphoning operations noong Aug. 19, ayon sa Philippine Coast Guard.

Sa pinakahuling update, sinabi ng PCG na nakasipsip ang kinontratang salvor na Harbor Star ng karagdagang 129,292 liters ng langis noong Sabado.

Una nang nag-deploy ang salvor ng additional pumps, para mapabilis pa ang operasyon, kung saan nasa 18,575 liters ang rate ng daloy ng oily waste kada oras.

Sa kaparehong araw ay nailipat din ang mga nasipsip na tumapong langis mula sa lumubog na motor tanker, sa ibang vessel saka dinala sa dockyard sa Bataan.

Nasa 346,000 liters naman ang kinarga sa mga truck sa Orion Shipyard para ibiyahe patungong waste management facility sa Marilao, Bulacan para sa proper disposal. 

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).