PINAG-aaralan ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang mga proyekto para palakasin ang kapasidad ng Clark bilang aviation hub.
Sinabi ni BCDA President and Chief Executive Officer Joshua Bingcang na nag-propose ang Lufthansa Technik Philippines (LTP) ng 400-million dollar investment para sa pagtatayo ng Maintenance, Repair, at Overhaul (MRO) facility sa Clark Aviation Capital.
Nais ng joint venture sa pagitan ng Lufthansa Technik AG at Macroasia Corp. na gamitin ang 15-hectare site sa Clark International Airport sa ilalim ng proposed 25-year term, na option na ma-extend.
Inihayag ni Bingcang na inaasahang matatapos ang negosasyon ngayong first quarter, na ang construction ay inaasahang matatapos sa loob ng tatlong taon.




