8 July 2024
Calbayog City
Sports

Barangay Ginebra magsasagawa ng 5-day camp sa Laguna

NAKABALIK na sa Barangay Ginebra San Miguel ang kanilang Team Governor na si Al Francis Chua, pati na sina Head Coach Tim Cone, Justin Brownlee, La Tenorio, Scottie Thompson, Japeth Aguilar, Assistant Coach Richard Del Rosario, at ilan sa kanilang utility staff.

Sina Cone, Brownlee, Aguilar at Thompson ay nalayo pansamantala sa Ginebra mula nang mag-umpisa ang preparasyon ng national team para sa FIBA Basketball World Cup 2023 habang ang iba ay napabilang sa Gilas sa kanilang gold medal-winning campaign sa katatapos lamang na 19th Asian Games.

Kinakailangan ng Gin Kings ang lahat ng tulong para madepensahan ang kanilang titulo sa Commissioner’s Cup na nasungkit nila noong Enero.

Bunsod nito ay nakatakdang magsagawa ang koponan ng mini-training camp sa Inspire Sports Academy sa Laguna sa loob ng limang araw, bilang paghahanda sa pagbubukas ng liga sa Nobyembre.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *