LUMOBO ng 7.14 percent o sa 177.47 billion pesos ang Bank Deposits sa Eastern Visayas noong nakaraang taon, bunsod ng mataas na Government spending sa Infrastructure Development at paglago ng E-commerce.
Batay sa record ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC), nadagdagan ng 11.84 billion pesos ang Deposit Liabilities ng rehiyon kumpara sa 165.64 billion pesos kumpara noong 2022.
Sinabi ni Francisco Barredo, Regional Development Council Financial Intermediaries’ Private Sector Representative, na ang malaking ginastos ng pamahalaan sa mga imprastraktura ang dahilan ng naturang paglago.
Sa datos mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH), tumaas sa 51.47 billion pesos ang 2023 budget para sa rehiyon mula sa 43.52 billion noong 2022.