ISANG filipino fishing boat na may sakay na walong mangingisda ang nabangga ng hindi pa tukoy na vessel sa West Philippine Sea, ayon sa Philippine Coast Guard.
Sa report ng Coast Guard District National Capital Region – Central Luzon, alas otso ng gabi ng Jan. 30 nang mabangga ang FBCA Prince Elmo 2 sa hindi tukoy na eksaktong lokasyon.
Sa bisinidad ng Vietnam nasagip ng MV Dong-an ang limang mangingisda, pasado alas tres ng hapon noong linggo, Feb. 16.
Sinikap namang hanapin ang tatlo pang mangingisdang nawawala subalit negatibo ang nakuhang resulta.