NAITALA ang Balance of Payments (BOP) position ng bansa sa deficit na 5.66 billion dollars noong 2025.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), kabaliktaran ito ng 609-million dollar surplus na nai-record noong 2024.
Gayunman, mas mataas pa rin ang full-year outturn kumpara sa deficit forecast ng Central Bank na 6.2 billion dollars.
Sa buwan lamang ng Disyembre, nakapagtala ang bansa ng BOP deficit na 827 million dollars, mas mababa ng 45.2 percent kumpara sa 1.51 billion dollars na shortfall noong December 2024.




