PANSAMANTALANG isinara sa lahat ng uri ng mga sasakyan ang Bukidnon-Davao City Road makaraang gumuho ang bahagi nito.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), nagpadala na sila ng teams na mag-a-assess at mag-iimbestiga sa nasirang bahagi ng kalsada sa Palacapao, Quezon.
ALSO READ:
Magbibigay ang teams ng mga rekomendasyon, batay sa magiging resulta ng kanilang imbestigasyon.
Inabisuhan naman ang mga motoriska na gumamit ng mga alternatibong ruta.
Nangyari ang pagguho ng kalsada kasunod ng Magnitude 5.5 na lindol na tumama sa Surigao Del Sur, 8:31 P.M. noong Sabado.