MAKATATANGGAP ng karagdagang isandaang milyong pisong pondo ngayong taon ang road project na mag-uugnay sa Eastern Samar at Northern Samar provinces, na gagamitin sa pag-kongkreto ng 1.3-kilometer section ng panukalang highway.
Ayon kay House Minority Leader Marcelino Libanan, bukod sa pag-kongkreto, popondohan din ng additional budget ang slope protection structures at konstruksyon ng drainage systems upang maiwasan ang erosion.
Pasok sa mga paaralan sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, sinuspinde kasunod ng Magnitude 6 na lindol
DPWH, magpapatupad ng 15-Ton Load Limit sa Calbiga Bridge sa Samar
85 child laborers sa Northern Samar, tumanggap ng tulong sa ilalim ng Project Angel Tree ng DOLE
Eastern Visayas, nagpadala ng inuming tubig sa Cebu
Ang section na ikinakasa nang buksan at i-semento ay bahagi ng 24.34-kilometer new road network sa bahagi ng Eastern Samar.
Ito ay para sa pagdurugtong ng Northern Samar sa pamamagitan ng Las Navas-Catubig Road, na may kabuuang haba na 53.60 kilometers.
Ang naturang proyekto ay pinaglaanan na ng 2.7 billion pesos.