BUMUO ng technical working group ang dalawang komite sa Kamara para makalikha ng bagong batas kaugnay ng foreign interference at espionage.
Ang TWG ay magkatuwang na binuo ng House Committee on Justice at House Committee on National Defense and Security.
Ayon kay 1-Tahanan Party-List Rep. Nathan Oducadon na siya ang napiling mamuno sa TWG, isang substitute bill ang babalangkasin mula sa anim na House Bills upang maprotektahan ang bansa mula sa impluwensya ng ibang bansa.
Ang hakbang sa Kamara ay kasunod ng natuklasang tangkang pagkuha ng mga impormasyon kaugnay ng mga sundalo na nakadestino sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Oducado, target ng TWG na makabuo ng panukala na makatutulong sa security at law enforcement agency upang maprotektahan ang bansa laban sa foreign interference.




