TINIYAK ng bagong Commander ng 8th Infantry Division ng Philippine Army na nakasasakop sa Eastern Visayas na palalakasin ang whole-of-nation approach upang matuldukan na ang insurhensiya sa mga lalawigan ng Leyte at Samar.
Binigyang diin ni Major Gen. Adonis Ariel Orio ang papel ng government agencies at civil society organizations sa pagtugon sa problema sa insurhensiya.
Pasok sa mga paaralan sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, sinuspinde kasunod ng Magnitude 6 na lindol
DPWH, magpapatupad ng 15-Ton Load Limit sa Calbiga Bridge sa Samar
85 child laborers sa Northern Samar, tumanggap ng tulong sa ilalim ng Project Angel Tree ng DOLE
Eastern Visayas, nagpadala ng inuming tubig sa Cebu
Hiniling din ni Orio ang tulong ng local government leaders, government agencies, peace partners, at ng komunidad.
Naniniwala ang bagong army commander ng Eastern Visayas na hindi kayang lutasin ng militar na mag-isa ang matagal nang problema sa insurhensiya, at isang proactive at epektibong whole-of-nation approach ang kinakailangan upang makamit ang minimithing kapayapaan sa rehiyon.