Isang babae ang malubhang nasugatan makaraang mahulog sa Recto underpass sa Maynila.
Ayon sa mga saksi, nakarinig sila ng malakas na lagabog mula sa ilalim ng Recto-Quezon Boulevard underpass, kahapon ng umaga.
Nakita nilang nakahandusay sa southbound lane patungong Quiapo Church ang isang babae na tinaya ang edad sa bente, nakaitim na damit, jogging pants, at sandals.
Agad namang dumating ang rescue team para tulungan ang babae na nagtamo ng pinsala sa ulo at posibleng nabalian ng mga buto.
Iniimbestigahan pa ng Manila Police District ang naturang insidente.