Arestado ang isang babaeng suspek makaraang mahulihan ng ilegal na droga at mga paraphernalia sa ikinasang operasyon ng pulisya sa Brgy. Homarawon Calbayog City.
Kinilala ng Calbayog City Police Station ang naarestong suspek na si Michelle Aguilar, residente ng parehong barangay.
Nakatakas naman ang isa pang suspek na si Christopher Doinog alyas Estoy.
Isinilbi ng mga otoridad ang search warrant na inilabas ng korte sa Purok 3 sa nabanggit na barangay umaga ngayong Biyernes (February 16) kung saan naaresto si Aguilar.
Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Calbayog City Police at PDEA Samar RO8.