20 August 2025
Calbayog City
Province

Halos 10,000 na pulis, ipinakalat sa BARMM bilang paghahanda sa Parliamentary Elections

MAYROONG halos sampung libong pulis ang ipinakalat ng Philippine National Police sa iba’t ibang lalawigan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Ayon kay PNP Chief Gen. Nicolas Torre III, mayroong 9,731 na Police Personnel ang naka-deploy bilang paghahanda sa BARMM Parliamentary Elections. 

Sinabi ni Torre na siyamnapu’t apat (94) mula sa isangdaan at walong (108) bayan sa BARMM ang itinuturing na Election Areas of Concern kung saan dalawampu’t siyam (29) dito ang nasa Red Category o Areas of Grave Concern. 

Habang ang mga bayan ng Buluan sa Maguindanao Del Sur at Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao Del Norte ay nakasailalim naman sa COMELEC Control dahil sa karahasan. 

Sa ngayon ayon kay Torre, ipinatutupad ng PNP sa BARMM ang Gun Ban na tatagal hanggang sa October 28.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).