2 February 2025
Calbayog City
National

Arrest orders laban kay suspended Mayor Alice Guo at 7 iba pa, naisilbi na ng Office of the Seargent-At-Arms ng Senado

NAISILBI na ng Office of the Sergeant-At-Arms (OSAA) ng senado ang arrest orders laban kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at pitong iba pa.

Gayunman, isa lamang, sa katauhan ni Nancy Jimenez Gamo, ang natiyempuhan sa kanyang address ng OSAA Personnel.

Si Gamo ay accountant ni Guo ay nakaditine na sa senado sa ilalim ng kustodiya ng OSAA.

Isinailalim ang accountant sa medical checkup nang dalhin ito sa senado sa Pasay City noong Sabado, kung saan siya mananatili habang nagpapatuloy ang pagdinig hinggil sa sinalakay na POGO Hub sa Bamban.

Nag-isyu ng arrest orders ang senado laban kay Guo at sa pito pang personalidad dahil sa paulit-ulit nilang hindi pagsipot sa imbestigasyon sa ni-raid na POGO Hub.

Kabilang din sa mga pinaa-aresto si Dennis Cunanan at iba pang kaanak umano ng suspendidong alkalde na sina Sheila Guo, Wesley Guo, Jian Zhong Guo, Seimen Guo, at Wenyi Lin.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.