TINAWAG ni South Korean President Yoon Suk Yeol na banta sa kapayapaan at katatagan sa buong mundo, ang iligal na kalakalan ng armas ng North Korea at Russia.
Binigyang diin ni Yoon na kritikal din ito sa alyansa ng liberal democracies na pumo-protekta mula sa aniya’y “reckless elements.”
ALSO READ:
Barko lang ng Amerika ang bawal dumaan sa Strait of Hormuz
Iran, walang palulusutin kahit 1 litrong langis sa Strait of Hormuz
UAE oil giant na ADNOC, isinara ang kanilang Ruwais refinery kasunod ng drone strike
France, naghahanda sa pag-escort ng mga barko sa Strait of Hormuz kapag kumalma na ang giyera
Ginawa ni Yoon ang pahayag sa Hawaii, kung saan tinalakay niya ang kahalagahan ng pinagsamang defence posture ng US at South Korean Forces, kasama ang Commander ng US Indo-Pacific Command na si Admiral Samuel Paparo.
Dumaan sa Hawaii ang South Korean President bago magtungo sa Washington para dumalo sa NATO Summit, bilang isa sa kinatawan ng apat na Asia-Pacific partners.
