IBINASURA ng Office of the Ombudsman ang motion for reconsideration na inihain ni suspended Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac, at dalawang iba pa.
Kaugnay ito sa ipinataw sa kanilang Preventive Suspension bunsod ng umano’y koneksyon sa iligal na operasyon ng POGO sa Bamban.
Ayon sa Ombudsman, wala itong nakitang mabigat na dahilan para irekonsidera ang Preventive Suspension Order laban kina Guo, Edwin Campo, at Adenn Sigua.
Ipinaliwanag ng Ombudsman na ang Preventive Suspension ay hindi parusa, kundi inisyal na hakbang para sa Administrative Investigation.
Layunin nito na maiwasang gamitin ng akusado ang kanyang posisyon at kapangyarihan para impluwensyahan ang mga testigo at dayain ang mga records na mahalaga sa isinusulong na kaso laban sa kanya.