APAT na Pilipino sa Myanmar ang nananatiling unaccounted for kasunod ng malakas na lindol sa Myanmar.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo De Vega, dalawa sa apat na Pinoy ay mag-asawa na naninirahan sa isang building na gumuho matapos ang magnitude 7.7 na lindol noong Biyernes.
Sinabi ni De Vega na ang apat na unaccounted Filipinos ay pawang professionals, na nagta-trabaho bilang teachers o office workers.
Sa Thailand naman, kung saan naramdaman din ang malakas na pagyanig, inihayag ng DFA official na walang Pinoy na nasaktan o nasawi, at bumabalik na sa normal ang pamumuhay sa naturang bansa.