Dumalaw sina Alvin Patrimonio at EJ Feihl sa burol ng kanilang dating teammate na si Avelino “Samboy” Lim Jr. sa Colegio de San Juan de Letran.
Sa kanyang eulogy kay Lim, sinabi ni Patrimonio na kapag hindi na nila alam ang gagawin ay ipapasa nila ang bola sa tinaguriang “the skywalker” at ito na ang bahalang gumawa.
Kinumpirma ng pamilya at Alma Mater ni Lim na mananatili ang abo ng PBA legend sa Letran hanggang ngayong huwebes.
Ihahatid si Lim sa kanyang huling hantungan sa Garden of the Divine Word Columbarium sa Quezon City, bukas.