Bigong makaabante sa finals ng Miami Open ang 19-anyos na Pinay Tennis Player na si Alex Eala.
Ito ay matapos mabigo si Eala sa laban nila ng World No. 4 na si American Tennis Player Jessica Pegula.
ALSO READ:
Pinoy jet ski racers, nakasungkit ng medalya sa WGP-1 Waterjet World Cup 2025 sa Thailand
Tim Cone, pinuri ang teams ng Gilas Men and Women sa nakamit na tagumpay sa SEA Games
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Tinalo ni Pegula si Eala sa score na 6-7, 7-5 at 3-6.
Sa kabila nito, naitala na sa kasaysayan ng Philippine tennis ang naabot ni Eala.
Siya ang naging kauna-unahang Pinay WTA semifinalist.
Nauna na ring tinalo ni Eala ang World number 25 na si Jelena Ostapenko, World number 5 na si Madison Keys at World number 2 na si Iga Swiatek na pawang mga Grand Slam champions din.
