13 October 2025
Calbayog City
Local

Albuera, Leyte Mayoralty Candidate Kerwin Espinosa, sugatan sa pamamaril habang nangangampanya

SUGATAN ang self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa, na tumatakbo ngayon bilang alkalde sa Albuera, Leyte, makaraang pagbabarilin sa isang campaign event, kahapon ng alas kwatro ng hapon, sa Barangay Tinag-an.

Ayon sa mga awtoridad, nakaupo si Espinosa habang naghihintay para magsalita nang barilin ito mula sa likuran ng salarin na nagtago sa kisame ng entablado.

Bukod sa mayoralty candidate, nasugatan din sa insidente ang isang menor de edad, pati na si Vice Mayoralty Candidate Mariel Espinosa Marinay.

Isinugod ng close-in security ni Espinosa ang mga biktima sa ospital upang malapatan ng lunas.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).