Ka-grupo ng Alas Pilipinas Men ang Iran, Egypt, at Tunisia matapos ang bunutan sa 2025 FIVB Men’s World Championship, sa Pasay City, isang taon bago magsilbing host ang bansa sa naturang global event.
Ang Pinoy Spikers na kasalukuyang nasa ika-animnapu’t apat na pwesto sa buong mundo, ay makakalaban ang World No. 15 na Iran, No. 20 na Egypt, at No. 24 na Tunisia sa Group A, sa unang pagkakataon na magho-host ang Pilipinas sa Quadrennial Event.
Pinoy jet ski racers, nakasungkit ng medalya sa WGP-1 Waterjet World Cup 2025 sa Thailand
Tim Cone, pinuri ang teams ng Gilas Men and Women sa nakamit na tagumpay sa SEA Games
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Ito rin ang unang beses na gaganapin sa Southeast Asia ang World Championship.
Ang Iran ay powerhouse sa Asian Region, at nasungkit ang Asian Games title sa tatlong sunod na edisyon simula noong 2014 sa South Korea habang ang Egypt ay nakapaglaro sa 2024 Paris Olympics bagaman walang naipanalo.
Samantala, ang Tunisia naman na madalas sumali sa World Championship, ay nasa ika-anim na nitong sunod na edisyon simula noong 2002.
