3 November 2025
Calbayog City
National

Aktibong kaso ng mpox sa bansa, lumobo na sa 5

LUMOBO na sa lima ang kumpirmdong aktibong kaso ng mpox, matapos makapagtala muli ang Department of Health (DOH) ng dalawang panibagong tinamaan ng virus.

Ayon sa DOH, ang dalawang bagong pasyente ay kinabibilangan ng bente sais anyos na babae mula sa Metro Manila at isang dose anyos na lalaki mula sa Calabarzon.

Sinabi ng ahensya na parehong mas mild na Clade 2 Variant ang dumapo sa mga pasyente, at hindi ang nakamamatay na strain na nagdulot ng global alarm.

Aug. 20 nang magsimula ang sintomas ng babae na nagkaroon ng rashes sa mukha at likod na sinamahan ng lagnat. Pinayuhan siya ng outpatient clinic na mag-home isolation.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.