HINILING ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa korte sa Davao na maglabas ng show-cause order laban kina Interior and Local Secretary Benhur Abalos at PNP Chief Police General Rommel Marbil.
Naghain ang legal team ng religious group ng manifesto na may kasamang mosyon para pagpaliwanagin ang mga respondent kung bakit hindi sila mapatawan ng contempt ng Davao City Regional Trial Court Branch 15.
ALSO READ:
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Kasunod ito ng pananatili pa rin ng mga pulis sa compound ng KOJC, sa kabila ng inilabas na temporary protection order ng korte, pabor sa religious group. Inatasan ng Davao Court ang PNP na itigil ang mga hakbang na maaring magdulot ng peligro sa kaligtasan at seguridad ng mga miyembro ng KOJC.
