5 July 2024
Calbayog City
Overseas Health

Air pollution sa North China, magtatagal hanggang sa kalagitnaan ng Nobyembre

north china

Aabutin hanggang sa kalagitnaan ng Nobyembre ang polusyon sa hangin sa North China.

Ayon sa air quality monitoring firm na IQAir, pumalo sa 2.5 ang Particle Matter (PM) sa lugar, na dalawampung beses na mas mataas sa guidelines ng World Health Organization.

Dahil dito, hinimok ng mga otoridad ang mga residente sa lugar, partikular sa Beijing at Hebei Region na iwasan munang lumabas sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay dahil sa posibleng masamang epekto ng smog sa kalusugan, lalo na sa mga taong may sakit sa puso at baga, at iba pang respiratory problems.

Nabatid na ang Beijing ang pangatlo sa pinaka-polluted na pangunahing lungsod sa buong mundo.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *