2 July 2025
Calbayog City
Entertainment

Ai-Ai Delas Alas, kinumpirmang kanselado na ang green card ng ex na si Gerald Sibayan

KINUMPIRMA ni Ai-Ai Delas alas ang naunang reports na pagbawi sa green card ng estranged husband na si Gerald Sibayan.

Ipinost ng komedyante sa Facebook ang screenshot ng news article tungkol sa green card petition ng kanyang ex.

Pinasalamatan ni Ai-Ai ang kanyang mga kaibigan, anak, at mga sumuporta sa pagbibigay sa kanya ng lakas na harapin ang isyu sa hiniwalayang mister.

Una nang napaulat noong nakaraang linggo na winithdraw ng aktres ang kayang petisyon para maging permanent US citizen si Gerald.

Noong Enero ay inaprubahan ng US Citizenship and Immigration Service ang request ni Ai-Ai na bawiin ang kanyang petition for alien relative para sa dating asawa.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).