SINUSPINDE ng NBA ang limang players na sangkot sa kaguluhan sa pagitan ng Detroit Pistons at Minnesota Timberwolves sa Minneapolis.
Tumanggap si Pistons Forward-Center Isaiah Stewart ng two-game suspension without pay, batay sa kanyang “Repeated History of Unsportsmanlike Acts.
Kabilang sa iba pa na sangkot sa insidente na pinatawan ng one-game suspension without pay sina Forward Ron Holland II at Guard Marcus Sasser ng Pistons, at Center-Forward Naz Reid at Guard Donte Divencenzo ng Timberwolves.
Nagsimula sa komprontahan ang gulo hanggang sa magkaroon ng tulakan at sakitan.
Pinatawan ang limang players ng technical fouls at pinatalsik sa laro na ipinanalo ng Timberwolves sa score na 123-104.