PLANO ng Department of Agriculture (DA) na magtayo ng kauna-unahang Onion and Research Center sa bansa para muling pasiglahin ang industriya.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, ang proposed Research and Extension Center ay matatagpuan sa Bongabon, Nueva Ecija, na top onion producer ng bansa.
ALSO READ:
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Bukod sa Research at Extension Center, committed din si Tiu Laurel na doblehin ang pondo para sa procurement ng pheromone lures, sa pamamagitan ng paglalaan ng hanggang limang milyong piso upang matulungan ang mga magsasaka ng sibuyas na malabanan ang army worms.
Idinagdag ng DA chief na sisimulan na rin nila ang pamamahagi ng mas magagandang onion seeds upang matulungan ang mga magsasaka na madagdagan ang kanilang mga ani.