ISUSULONG ng COMELEC ang paglikha ng “Safe Spaces” sa social media, maging sa mga voting precincts at canvassing areas, upang maprotektahan ang mga botante bago ang May 2025 Midterm Elections.
Ginawa ni COMELEC Chairman George Garcia ang anunsyo, kasunod ng malaswa o bastos na pahayag ng ilang kandidato sa campaign sorties sa kasagsagan ng election period.
Sinabi ni Garcia na muli silang magpapanukala para sa “Safe Spaces” bilang karagdagan sa Anti-Discrimination Act.
Noong Pebrero ay naglabas ng resolusyon ang Poll Body na nagde-deklara na ang pag-bansag sa mga grupo o indibidwal bilang terorista, dissenters, at kriminal nang walang ebidensya ay paglabag sa 2025 national and local elections.
Saklaw din ng COMELEC Resolution No. 11116 o Anti-Discrimination and Fair Campaigning Guidelines ang Acts of Bullying and Discrimination, na kinapapalooban ng gender, ethnicity, age, religion, disabilities, at iba pa.