28 June 2024
Calbayog City
Business

Agriculture Department, ipinagbawal muna ang pagpasok sa bansa ng buhay na baka at karne nito mula sa UK

agriculture

Pansamantalang ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang pagpasok ng mga buhay na baka at meat products mula sa United Kingdom kasunod ng kaso ng mad cow disease sa Scotland kamakailan.

Sa ilalim ng Memorandum Order 20, na inisyu noong May 30, 2024, ipinag-utos ng DA ang temporary ban sa importasyon ng buhay na baka, meat, meat products, bovine processed animal proteins, at cattle semen mula sa United Kingdom.

Sa statement, binigyang diin ng ahensya na ang temporary ban na ipinatupad ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, ay precautionary measures upang pangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng publiko.

Ang mad cow disease ay maaring magdulot ng fatal nerve damage sa mga baka, at ang pagpasok at posibleng paglaganap nito sa bansa ay maaring makaapekto sa livestock industry at ma-kompromiso ang food safety.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *