SINIGURO ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na nananatili ang commitment ng Sandatahang Lakas sa Saligang Batas at sa Chain of Command.
Ayon kay Brawner, masisiguro niyang walang mangyayaring kudeta sa ilalim ng kaniyang pamumuno.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Hindi rin aniya ang AFP sa mga sabi-sabi, paninira at mga bali-balitang mayroong internal unrest sa loob ng Sandatahang Lakas.
Sinabi ng heneral na nananatili ang pagkakaroon ng propesyonalismo ng mga sundalo at nagpapatuloy ang kanilang pagpapatupad ng reporma, pagkakaroon ng accountability at internal discipline.
Kumpiyansa si Brawner sa pagkakaroon ng integridad, patriotism, at professionalism ng mga sundalo.
Kung mayroon man aniyang ilang isolated grievances, hindi naman ito sumasalamin sa kabuuan ng AFP.