NAG-deploy ang AFP at PNP ng karagdagang personnel sa Bangsamoro Region bago ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COCs) para sa kauna-unahang Parliamentary Elections sa autonomous area.
Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na ang pinalakas na presensya ng militar at pulisya ay makatutulong upang matiyak ang kapayapaan at seguridad sa proseso ng paghahain ng kandidatura sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), simula ngayong Lunes, Nov. 4 hanggang Sabado, Nov. 9.
Bagaman welcome kay Garcia ang nadagdag na presensya ng police at military, binigyang diin niya na hindi dapat ito tingnan na ikinu-konsidera ng pamahalaan ang BARMM bilang hotbed para sa political violence. Idinagdag ng Poll Chief na nais lamang nilang masigurado na may sapat na pwersa na naka-standby para sa BARMM Elections.