PINAGTIBAY ng Korte Suprema ang nauna nitong desisyon na nagdedeklarang “unconstitutional” ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ay matapos na ibasura ng SC ang apela na inihain ng Kamara.
ALSO READ:
Unanimous ang naging botohan ng Supreme Court en banc kung saan denied with finality na ang apela ng House of Representatives.
Sa nasabing mosyon ng Kamara hiniling sa SC na baligtarin ang naunang ruling nito na na nagdedeklarang unconstitutional ang impeachment laban sa bise presidente.
July 2025 nang ilabas ng SC ang desisyon kung saan nakasaad na sakop ng one year-rule ang impeachment complaint.




