POSIBLENG mag-import uli ang bansa ng 1.3 million Metric Tons ng Bigas ngayong taon.
Pahayag ito ng Department of Agriculture, kasunod ng sectoral meeting sa malakanyang na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na tumatayo ring kalihim ng D.A.
Ang Sectoral Meeting ay ipinatawag sa harap ng tatlong global events na posibleng maka-apekto sa bigas ng bansa, kabilang ang pagkalas ng Russia sa Black Sea Grain Initiative, pag-ban ng India sa pag-e-export ng Non-Basmati White Rice, at ang El Niño Phenomenon o Matinding Tagtuyot.
Sa Press Briefing sa palasyo, sinabi ni D.A. Undersecretary Mercedita Sombilla na magtatakda sila ng schedule sa pag-a-angkat ng bigas.
Sa ngayon ay aabot umano sa 1.3 million Metric Tons ang volume ng bigas sa mga nakabinbing aplikasyon sa pag-i-import.