ISINIWALAT ni COMELEC Chairman George Garcia na anim pang mga senador ang tumanggap ng Campaign Donations mula sa mga contractors.
Ayon kay Garcia, ang donors ng mga senador ay kabilang sa limampu’t limang contractors na nag-ambag noong 2022 Elections.
Gayunman, tumanggi ang poll chief na ibunyag ang kanilang mga pangalan habang hinihintay pa ang resulta ng imbestigasyon ng COMELEC.
Binigyang diin din ni Garcia na ang pagdo-donate ng mga contractor sa mga politiko ay hindi nangangahulugan ng paglabag sa batas.
Bagaman isinasaad sa Omnibus Election Code na ipinagbabawal ang Campaign Donations mula sa mga personalidad na may kontrata o Subcontracts sa gobyerno, hindi kasama sa naturang Prohibition ang Private contractors.
Una nang inisyuhan ng COMELEC ng Show-Cause Order si Sen. Chiz Escudero matapos aminin ni Lawrence Lubiano, president ng Centerways Construction and Development Inc., na nag-donate siya ng 30 million pesos sa kampanya nito at kumpirmadong may kontrata ito sa gobyerno.