ISINUMITE na ng Bureau of Customs sa Independent Commission for Infrastructure ang mga hawak nitong dokumento na makatutulong sa imbestigasyon sa Flood-Control Scandal.
Ayon kay Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno, kabilang sa isinumite sa ICI ang mga kopya ng Search Warrants at Warrants of Seizure and Detention, listahan ng Importation Documents, at Progress Reports na may kaugnayan sa imbestigasyon.
ALSO READ:
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Tiniyak ni Nepomuceno ang pakikipagtulungan sa imbestigasyon ng pamahalaan sa mga anomalya sa Flood Control at iba pang Infrastructure Projects.
Inatasan na din ng commissioner ang lahat ng Concerned Offices ng BOC na makipagtulungan sa ICI at iba pang Investigative Bodies.
