ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang bagong ombudsman.
Papalitan ni Remulla si Dating Ombudsman Samuel Martires na nagretiro sa pwesto noong Hulyo.
ALSO READ:
Bilang ombudsman, si Remulla ay mayroong pitong taong termino o hanggang sa 2032.
Si Remulla ay nagsilbi bilang ika-59 na kalihim ng DOJ mula pa noong Hunyo 2022.
Sa kanyang pamumuno sa DOJ, tinutukan ang pagpapaluwag sa mga kulungan, mabilis na pagresolba ng mga kaso, at mas malawak na Access sa Legal na serbisyo.




