EPEKTIBO na ang dagdag sahod para sa mga Minimum Wage Earners sa Calabarzon.
Ayon sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board IV-A pormal na umiral kahapon, October 5 ang 30 to 100 pesos na dagdag sa Minimum na sahod sa rehiyon para sa Non-Agriculture Workers, 25 hanggang 100 pesos para sa Agriculture Workers at 83 pesos para sa Retail and Service Workers.
Ayon sa Wage Board, lahat ng Minimum Wage Workers sa Private Sector sa Calabarzon ay Entitled na makatanggap ng Daily Wage Increase sa ilalim ng nasabing Wage Order.
Ang halaga ng dagdag sahod ay depende sa klasipikasyon ng lungsod at munisipalidad sa rehiyon.