NAGPATUPAD ng Price Freeze ang Department of Trade and Industry sa mga pangunahing bilihin sa buong lalawigan ng Cebu.
Kasunod ito ng tumamang Magnitude 6.9 na lindol Martes, Sept. 30 ng gabi.
ALSO READ:
Ayon sa DTI tatagal ng 60-araw ang Price Freeze sa mga Basic Necessities and Prime Commodities sa lalawigan kasunod na din ng deklarasyon ng State of Calamity.
Tiniyak naman ni Trade Secretary Cristina Roque na babantayan ang pag-iral ng Price Freeze.
Bahagi din ng mandato ng ahensya ang pagtitiyak na may sapat na suplay ng Essential Goods sa Cebu.
Inumpisahan na ng DTI Field Offices ang pagsasagawa ng Market Inspections para maiwasan ang Profiteering.




